Connect with us

Aklan News

ELECTRICIAN, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION, ‘MAIN TARGET’ NIYANG KASAMA, NAKATAKAS

Published

on

Arestado sa isang buy bust operation ang isang electrician bandang alas 10:20 kagabi sa Jumarap, Banga, subali’t nakatakas naman ang kasama nito na siyang ‘ main target’ ng nasabing operasyon.


Kinilala ni PMajor Frensy Andrade ng PDEU Aklan ang mga suspek na sina Daryl Manlapuz at ang electrician na si Jan Feliciano Lachica, 37 anyos, pawang mga taga Poblacion, Balete.

Narekober mula sa posseur buyer ang isang sachet ng suspected shabu, habang narekober naman kay Lachica ang P2,000.00 na buy bust money at isang improvised pipe.


Samantala, ipinaliwanag naman ni Andrade kung papaanong nakatakas ang mismong katransakyon umano nila sa buy bust operation na si Manlapuz.


Ayon kay Andrade, hindi umano nila inakala na magdadala pala ng kasama ang suspek, habang mag-isa lang sa kanilang tagpuan ang katransaksyon nilang posseur buyer, at may kalayuan din umano ang puwesto ng mga kasama nilang operatiba, rason na hindi na mabilis na nakatakas ang suspek nang malamang buy bust operation pala ang kanilang pinasok.


Maliban dito, malaki din umano ang katawan ni Manlapuz kung kaya’t nakayanan nito ang pag-aresto sa kanya.


Sa kabila nito, patuloy pa rin umanong pinaghahanap si Manlapuz at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 dahil sa pagbibenta umano nito ng ilegal na droga.

Pansamantala namang ikinostodiya sa Banga PNP Staton si Lachica para sa karampatang disposisyon na tumanggi namang magbigay ng pahayag.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *