Connect with us

Aklan News

Barangay kagawad, patay matapos paulanan ng bala

Published

on

ROXAS CITY – Patuloy na inaalam ngayon ng kapulisan ang motibo sa pagpatay kay Kagawad Onel ‘Dodoy’ Arandez ng Brgy. Punta Tabuc sa lungsod na ito.

Pinaulanan ng bala ang number one kagawad habang nagpapaayos ng motorsiklo sa isang talyer sa Brgy. Cagay umaga ng Martes.

Batay sa mga nakasaksi, nasa apat na kalalakihan na pawang mga nakabonet ang dumating sa lugar sakay ng pinaniniwalaang Toyota Innova.

Dalawa umano sa mga suspek ang nagpaulan ng bala sa opisyal na tumama sa kanyang ulo at iba pang bahagi ng katawan dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Nabatid na dating nasangkot sa iligal na droga ang kagawad. Naaresto ito sa isang drug buybust operation na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Itinuturing na High Value Target si Arandez dahil sa pagiging public official nito at una nang napabilang sa Directorate for Intelligence (DI) list ng kapulisan dahil umano sa pagtutulak ng droga.

Sa kabila nito, wala pang kumpirmasyon ang Roxas City PNP kung may kinalaman sa droga ang pagpatay sa nasabing opisyal.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *