Connect with us

Aklan News

BANGKAY NG MANGINGISDA NATAGPUAN SA BAYBAYIN NG MAKATO

Published

on

Natagpuan na kaninang alas-5 ng umaga ang bangkay ng isang 19 anyos na mangingisda na sinasabing nalunod kahapon ng tanghali sa sa Brgy. Dapdap, Tangalan.

Nakilala ang biktimang si Jeconiah Rubias Juario, residente ng Sitio, kalubihan, Brgy. Pudiot, Tangalan.

Ayon sa report, umalis ang biktima at dalawa pa nitong kasama sakay ng isang bangka para manghuli ng isda ngunit pagkaraan ng ilang oras ay napansin ng dalawa na nawawala si Jeconiah.

Hinanap nila ito subalit hindi nila nakita kaya’t napagdesisyunan nila na ipaalam sa pamilya ni Jeconiah ang nangyari.

Nagtulungan ang mga taga PDRRMO Aklan, Tangalan MDRRMO, BFP Tangalan, at Tangalan PNP, sa paghahanap sa biktima ngunit nabigo silang makita ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *