Connect with us

Aklan News

BAGONG SILANG NA SANGGOL, NALIGTAS MATAPOS ABANDONAHIN NG INA

Published

on

Si Joey Paras, habang itinuturo ang pinag-iwanan sa bata.

Ligtas na ngayon ang isang bagong silang na sanggol matapos abandonahin ng sariling ina kaninang umaga sa Tigayon-Guba, Kalibo.

Ayon kay Joey Parman, residente ng nasabing lugar at siyang kumuha sa babaeng sanggol sa ilalim ng poste, nagulat na lamang sila nang may matandang babaeng sumigaw.

Nilapitan umano niya ito kung saan sinabi umano ng matanda na iniwan ng nakamotorsiklong babae doon ang nasabing sanggol.

Tiempo namang napadaan ang nagmomotorsiklong si Jonel Paras na residente din doon at hinabol ang babaeng nakalayo na ng humigit-kumulang 100 metro Naabutan nito ang babae at sinabihang balikan ang bata, na kanya namang sinunod.

Babawiin pa sana umano ng babae ang bata, subali’t dali-dali itong dinala sa ospital nina Jonel at Joey.

Ayon naman sa ilang residente, nagsidatingan ang ilang taga barangay at dinala din ang babae sa ospital nang mapansing dinudugo pa ito.

Ayon pa kay Parman, nakabalot ng tela ang sanggol nang iwanan ng kanyang ina. Patoy namang iniimbistigahan ng mga pulis ang nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *