Aklan News
PAGBALIK NG POWER SUPPLY SA BORACAY, ‘DI MATATAGALAN – AKELCO

Published
1 year agoon

Bahagya nang naibalik ang serbisyo ng kuryente sa ilang bahagi ng Boracay magdadalawang linggo matapos hagupitin ng bagyong Ursula.
Bagama’t hindi pa lubos na nasosolusyunan ang problema sa kawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng isla, nakikitaan naman ng unti-unting pagbuti ang sitwasyon matapos maibalik ang supply ng kuryente sa ilang bahagi ng Manocmanoc at Balabag.
Ayon kay AKELCO Assistant General Manager Engr. Joel Martinez, hindi matatagalan ang pagrestore ng power sa Boracay kumpara sa ibang mga lugar sa Aklan.
Aniya, ilan sa parte ng Balabag ay service drop nalang ang kulang at ang rota ng kanilang konstruksyon ay nasa Yapak na.
Una nang ipinahayag ni Malay mayor Frolibar Bautista, walang magawa ang mga residente at may-ari ng mga establisimento doon kundi gumamit ng generator set at magtiis sa kandila.
Dagdag pa ni Bautista, naaapektuhan ng matagalang pagkawala ng power supply ang mga negosyo sa Boracay.
Pinagsisikapan ngayon ng Akelco sa tulong ng Task Force Kapatid-Ursula na binubuo ng mga linemen mula sa ibat’-ibang lugar na maibalik ang kuryente sa lalong madaling panahon.
You may like
-
NEGATIVE RT-PCR TEST, REQUIRED PA RIN NGAYON SA MGA PUPUNTA NG BORACAY
-
BALUT VENDOR, TINAGA NG KAPWA BALUT VENDOR, PATAY
-
BABAENG TURISTA, NAHULOG MULA SA IKATLONG PALAPAG NG RESORT SA BORACAY
-
ANG MAGUGULONG MGA RESOLUTIONS AT POSITION PAPERS NG SANGGUNIANG BAYAN NG MALAY AT SANGGUNIANG PANLALAWIGAN MAY KINALAMAN SA BIDA
-
NO2BIDA BILL: AKLAN GOVERNENT, TUTOL SA PAGTAYO NG BORACAY ISLAND DEVELOPMENT AUTHORITY
-
ANO ANG KWENTO SA PAGBUBUO NG BORACAY ISLAND DEVELOPMENT AUTHORITY