Connect with us

Aklan News

Lineman ng CAPELCO nakuryente, patay habang nag-aayos ng linya

Published

on

Patay ang isang 31-anyos na lineman ng Capiz Electric Cooperative o CAPELCO matapos makuryente sa bayan ng Ivisan, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Jose Pablo Biaco, residente ng Brgy. Consolacion, Dumalag, Capiz.

Nabatid na nag-augment lamang ang biktima bilang lineman sa bayan ng Ivisan para mapabilis ang maibalik ang suplay ng kuryente sa bayan kasunod ng pananalasa ni bagyong Ursula.

Naganap ang insidente sa Brgy. Malocloc Sur kung saan nasa itaas ng poste ang biktima at aksidenteng nahawakan ang isang live wire.

Una rito tinanggal niya ang kanyang belt para sana makapihit ng pwesto subalit. Matapos makuryente ay nahulog ito sa poste.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero dineklara itong dead on arrival.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *