Connect with us

Aklan News

Lalaki arestado sa pagtutulak ng droga; 49 sachet ng shabu nasabat

Published

on

Kabuuang 49 sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng kapulisan sa isang buy bust operation sa Roxas City ngayong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Noe Bitoon, residente ng Brgy. Tanque Ilaya sa lungsod na ito.

Ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit ang operasyon sa Costa Verde, Brgy. Cagay.

Nasabat rin ng operatiba mula sa suspek ang Php500 marked money at isang motorsiklo.

Napag-alaman na dati nang nakulong ang suspek matapos mahuli sa isang buybust operation noong 2018.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing lalaki.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *