Connect with us

Aklan News

ISA SA DALAWANG LASING NA NANGGULO SA BAR, HINAMPAS NG TUBO

Published

on

Lumanding sa ospital ang isa sa dalawang lasing na nanggulo sa isang bar sa J. Cardinal Sin Avenue, Andagao, Kalibo alas-9:30 Sabado ng gabi.

Nakilala ang biktimang si John Carl Gaspar alyas ‘bunso’, 19 anyos ng Estancia, Kalibo at ang kasama nitong si Christopher Dela Cruz alyas ‘tupi’ ng Barangay Andagao.

Base sa imbistigasyon ng mga pulis, dumating ang dalawa sa bar at ginalit umano ang ilang kustomer doon.

Bumunot umano ng kutsilyo si ‘tupi’, at hinabol nila ni ‘bunso’ mula sa ikalawang palapag palabas ng bar ang tatlong hindi nakilalang lalaki.

Isang komosyon umano ang sumunod nang magpang-abot sila sa labas, kung saan doon din pinaghahampas ng tubo si ‘bunso’ ng iba pang hindi rin nakilalang grupo.

Kaagad dinala sa ospital si ‘bunso’ matapos magtamo ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Patuloy pa ang imbistigasyon ng mga pulis sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *