Connect with us

Aklan News

Suspek sa pagpatay sa isang Lolo sa Ibajay, posibleng maharap sa kasong murder

Published

on

Posibleng sampahan ng kasong murder ang 29 anyos na suspek sa pagpatay kay Donato Bautista sa Brgy. Aquino, Ibajay nitong bagong taon Miyerkules ng madaling araw.

Sa ginanap na press conference kahapon ng Ibajay PNP, sinabi ni PMaj. Ariel Nacar na inihahanda na nila ang isasampang kaso laban kay Jervy Macahilig Conanan, matapos itong sumuko sa mga taga Aklan 1st Mobile Company ng Aklan PPO.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-ugat ang krimen sa nangyaring insidente kung saan pinasok ng isang di kilalang suspek ang bahay ng mag-asawang Marina at Rolando Delfin at tinangkang halayin ang kanilang 18 anyos na apo.

Samantala, todo tanggi ang suspek sa harap ng media kahit na positibo siyang itinuturo ng pamilya ng biktima.

Pinag-aaralan din ng Ibajay PNP na sampahan ng kasong frustrated murder at attempted Rape ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *