Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, BUMANGGA SA PICK UP

Published

on

Sugatan ang isang babae matapos bumangga sa pick up ang minamaneho nitong motorsiklo bandang alas 6:20 kagabi sa Barangay Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Irene Dela Cruz, 37 anyos ng nasabing lugar.

Base sa imbistigasyon ng Kalibo PNP, tumawid mula sa harap ng Tigayon Barangay Hall ang nagmomotorsiklong biktima, subali’t aksidenteng bumangga sa pick up na minamaneho ni Sonny Turang, 31 anyos ng Poblacion, Libacao na papunta sa direksyon ng Banga.

Dahil dito, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo at nasugatan ang biktima na kaagad namang dinala sa ospital.

Pansamantalang ikinostodiya ang pick up at motorsiklo matapos ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *