Connect with us

Aklan News

ISA, SUGATAN SA SALPUKAN NG TRAYSIKEL AT MOTORSIKLO

Published

on

Isa ang sugatan sa salpukan ng traysikel at motorsiklo bandang alas 9:40 sa J.Cardinal Sin, Andagao, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Jonito Nadua, 38 anyos ng nasabing lugar, na siyang driver ng nasabing motorsiklo, habang nakilala naman ang driver ng traysikel na si John Exequiel Tercido, 24 anyos ng New Buswang, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nag-uturn o lumiko pabalik ang traysikel para mag-pick up ng dalawang pasahero sa gilid ng kalsada, subali’t aksidente umano nitong nakabanggaan ang minamanehong motorsiklo ng biktima.

Resulta, sumemplang ang motorsiklo at nasugatan ang biktima na kaagad ding dinala sa ospital.

Pamsamantalang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station ang traysikel at motorsiklo, habang nauwi naman sa areglo ang nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *