Connect with us

Aklan News

49-anyos na lalaki tinaga sa mukha ng kainuman sa bayan ng Cuartero

Published

on

LALAKI, TINAGA NG PINSAN

Sugatan sa mukha ang Isang 49-anyos na lalaki matapos siyang tagain ng kainuman sa Brgy. Maindang, Cuartero Huwebes ng gabi.

Kinilala sa ulat ng Cuartero PNP ang biktima na si Joel Escultero habang kinilala naman ang suspek na si Prudencio Abadinas Jr, 60, pawang mga laborer at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nag-ugat ang insidente habang nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng biktima.

Matapos maubos ang tatlong bote ng alak, sinabihan ng biktima ang suspek na umuwi na sa bahay subalit nagpumulit umano ang suspek na magpatuloy sa inuman.

Dito na nagalit ang biktima at pinalo gamit ang matigas na bagay ang suspek na tumama sa likuran nito.

Kalaunan ay umuwi ang suspek pero bumalik din sa bahay ng biktima at pinagsisira ang bakod ng huli.

Nilapitan ng biktima ang suspek pero tinaga siya ng suspek na tumama sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.

Agad isinugod sa Sen Gerry Roxas Memorial Distrct Hospital sa Dao, Capiz ang biktima habang inaresto naman ng kapulisan ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *