Connect with us

Aklan News

SUSPEK SA PAGPATAY SA 61 ANYOS NA LOLO, SUMUKO NA

Published

on

Ibajay – Sumuko na ang suspek sa pananaga at ikinamatay ng 61 anyos na lolo sa Aquino, Ibajay.

Nakilala ang suspek na si Jervy Macahilig Conanan, 29 anyos ng Aquino, Ibajay at dating traysikel driver sa isla ng Boracay.

Ayon kay PMSgt. John Mondia ng Aklan 1st Mobile Force, tumawag sa kanya ang suspek bandang alas 4:00 kaninang madaling araw at nagsabing nabiktima  siya ng pananaga.

Kaagad umano siyang sinundo ng mga pulis sa Brgy. Pudiot, Tangalan at dinala sa Kalibo bago dinala sa Aklan PPO.

Sa panayam ng Radyo Todo sa suspek, inamin nito ang pananaga sa biktimang si Donato Bautista ngunit itinanggi nito na wala siyang kinalaman sa panloloob sa bahay ng pamilya Delfin at tangkang panghahalay sa 18 anyos na dalaga.

Depensa ng suspek  bibili lamang siya sana noon sa tindahan ng biktima, subalit nagalit umano ito at lumabas na may itak at tinaga siya sa ulo.

Naagaw umano niya ang itak at tinaga din ang biktima at tumakas kahit duguan.

Itinurn-over na ng Aklan PPPO sa Ibajay PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *