Connect with us

Aklan News

MAGTIYUHIN SUGATAN SA AWAY SA LUPA SA LIBACAO

Published

on

Kapwa nakaratay sa ospital ang dalawang magtiyuhin matapos ang nangyaring tagaan ala-una Miyerkules ng hapon sa Brgy. Loctuga, Libacao.

Kinilala ang mga biktimang si Albert Asiong, 24 anyos, at ang kanyang tiyuhin na si

Jose Asiong, sa legal na edad, kapwa mga residente ng lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo napag-alaman na nag-ugat umano ang krimen sa away ng magpamilya sa lupa.

Ayon kay Albert, unang nagkaroon ng komprontahan sa pagitan ng kanyang amang si Danilo at kanyang tiyuhin na si Jose.

Unang tinaga umano ng kanyang tiyuhin ang kanyang ama ngunit hindi ito tumama kaya’t siya naman ang sinugod nito ng taga na tumama sa kanyang kaliwang paa.

Gumanti rin ng taga ang kanyang ama at tinamaan ang kanyang tiyuhin sa kaliwang kamay.

Kapwa ngayon naka confine sa surgical ward ng Aklan Provincial Hospital ang mga biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *