Connect with us

Aklan News

ISA PATAY, DALAWA PA SUGATAN SA PANANASAK AT PANANAGA

Published

on

Isa ang patay habang dalawa pa ang sugatan sa pananaksak at pananaga bandang alas 3:30 kahapon ng madaling araw sa Aquino, Ibajay.

Nakilala ang mga biktimang sina Marina Bautista Delfin, 65 anyos, ang bakasyunista nilang apo na si Lei De Mesa Delfin, 18 anyos, at Donato Colangoy Bautista, 61 anyos.

Ayon kay Ramon Bautista, kapatid nina Donato at Marina, pinasok ng suspek ang bahay ni Rolando mula sa ikalawang palapag ng bahay pababa sa sala kung saan natutulog ang dalaga.

Hawak ang patalim, tinutukan umano nito at tinangkang pagsamantalahan ang dalaga,subali’t nakapiglas kahit nasugatan sa kamay at nakatakbo sa kuwarto ng mag-asawa.

Nasundan umano siya ng suspek kung saan nasaksak din niya sa magkabikang braso ang biktimang si Marina nang magising ang mga ito at sumaklolo sa dalaga.

Masuwerte sanang nahawakan at nahuli ni Rolando ang suspek, subali’t nakatalon pa rin ito sa bintana at tumakas.

Kaagad dinala ni Rolando sa ospital ang mga biktima, subali’t sinasabing bumalik ang suspek na may dalang itak at pinagtataga naman ang biktimang si Donato.

Kaagad din siyang dinala ng mga residente sa ospital, subali’t binawian ng buhay bandang alas 10:00 kahapon ng umaga.

Panawagan naman ng kapatid ng mga biktima sa suspek na sumuko ito sa mga pulis.

Patuloy pang iniimbistigahan ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *