Connect with us

Aklan News

LOLO TUMALON SA BARKO SA MALAY

Published

on

Picture shown is for illustration purpose only. (Photo from the web)

Malay, Aklan – Tumalon sa dagat mula sa sinasakyan nitong barko ang isang lolo habang bumibyahe sa baybaying sakop ng Sambiray, Malay.

Kinilala ni SM2 Elmer Asain ang biktimang si Patrocinio Flores, 60 anyos ng Anini-y, Antique.

Batay sa pahayag ni Asain, sakay umano ng barkong MV Reyna Sentenciada ng Montenegro Shipping Line Corporation ang biktima nang tumalon ito dakong alas-6:15 kagabi.

Pahayag umano ng biktima, naramdaman niya na pinag-iinitan siya ng kanyang mga kapwa pasahero dahilan ng kanyang pagtalon sa barko.

Nabatid na mag-isang bumiyahe ang biktima galing Manila pauwi sa Antique at wala itong kain at tulog.

Masuwerteng nasagip naman ang biktima ng mga naka paraw na di kalayuan ang distansya sa barko at dinala sa MSWD Malay.

Sa ngayon ay nasa maayos ng kondisyon ang matanda at nakatakda na itong sunduin ng kanyang pamilya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *