Connect with us

Aklan News

HELPER, NINAKAWAN NG P380K ANG PINAPASUKANG FASHION SHOP

Published

on

Photo from the web.

Kalibo, Aklan – Higit-kumulang P380, 000 ang perang natangay ng isang lalaki mula sa kanyang pinapasukang Fashion Shop sa Kalibo kahapon.

Tumawag sa mga kapulisan ang security guard ng AJ’s Fashion Shop matapos matuklasan na nawawala na ang mahigit kumulang P380K na perang nakalagay sa drawer ng cashier at putol na ang wire ng CCTV na nakakabit sa establisimento.

Matapos ang masinsinang imbestigasyon ng mga kapulisan, naaresto ang suspek na si Saifoden Pandapatan, 22, tubong Quiapo, Manila at kasalukuyang nakatira sa bayan ng Numancia.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang cash na umaabot sa P380K.

Kasalukuyan siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP at nakatakdang sampahan ng kasong robbery.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *