Connect with us

Aklan News

21-anyos na lalaki sugatan matapos maputukan ng “boga” ang sarili

Published

on

Sugatan ang isang 21-anyos na lalaki sa Brgy. Traciano, Dumarao matapos maputukan ng boga ang sarili.

Kinilala ang biktima na si Jesmark Labaro, 21-anyos.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Dumarao PNP, pinaglalaruan ng 21 anyos na lalaki ang boga nang pumutok ito at tumama ang balang holin sa kanyang bibig.

Nabatid na may sakit sa pag-iisip ang nasabing binata at hindi marunong gumamit ng boga.

Unang dinala sa Dumarao Medicare Hospital ang biktima pero inirefer din kalaunan sa Roxas Memorial Hospital para sa kaukulang paggamot.

Itinuturing naman ng kapulisan na firecracker related incident ang nangyari kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ikinakampanya ngayon ng kapulisan, Department of Health at iba pang ahensiya ng gobyerno na iwasan ang paggamit ng mga paputok kabilang na ang “boga” ngayong holiday.

Photo, not actual/from Youtube.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *