Connect with us

Aklan News

Motorsiklo bumangga sa concrete barrier, 2 patay

Published

on

Patay ang driver at ang kanyang angkas matapos bumangga ang sinasakyang nilang motorsiklo sa concrete barrier sa Brgy. Poblacion, Pilar, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronilo Benjamin, 35-anyos, driver, at Albert Benjamin, 32, angkas, pawang mga residente ng Brgy. Cayus sa parehong bayan.

Batay sa imbestigasyon ng Pilar PNP, galing sa sayawan ng barangay sa Brgy. San Fernando ang dalawa nang magkasundo na pumunta naman sa sayawan sa Brgy. San Blas.

Habang binabaybay ng dalawa ang kahabaan ng national highway sa Brgy. Poblacion, nawalan ng kontrol ang driver sa kanyang menamanehong motorsiklo, umapaw sa kalsada at bumangga sa concrete barrier.

Agad isinugod ang dalawa sa Bailan District Hospital para sa kaukulang paggamot pero parehong dineklarang “dead on arrival” ng doktor ang magkakapatid na biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *