Connect with us

Aklan News

2 Sugatan sa Pananaga

Published

on

Numancia – Sugatan ang magtyuhin matapos pagtatagain alas 9:25 kagabi sa Laguinbanwa East, Numancia.

Nakilala ang mga biktimang sina Rex Ramos Ariola, 53 anyos at pamangkin nitong si Jeyfred Ariola Tajolosa, 27 anyos samantala nakilala naman ang suspek na si Jerald Taladro Gonzales, 30 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, nag-iinuman ang grupo ng mga biktima nang mapansin nila ang isang 13 anyos na binatilyong may kutsilyo habang bumibili sa isang tindahan.

Nilapitan umano ito ng mga biktima at kinumpiska ang kutsilyo na ayon umano kay Ariola ay
pinaniniwalaan niyang pagmamay-ari ni Gonzales.

Dahil dito, pinuntahan umano ni Ariola sa kanyang bahay si Gonzales na nag-iinuman din, at kinumpronta kung bakit pinadala sa binatilyo ang kanyang patalim.

Kasunod nito, nagkaroon na ng diskusyon sa kanilang pagitan kung kaya’t sinundo umano si Ariola ng kanyang asawa at dinala pauwi.

At ng makauwi ang biktima pinuntahan siya ng suspek sa kanilang bahay na armado ng itak. Muling nagka-diskusyon ang dalawa hanggang sa nagka komosyon na nauwi sa pananaga ng suspek sa biktima na tinamaan sa daliri sa kaliwang kamay.

Umawat umano si Tajolosa pamankin ng biktima, subalit tinamaan din ito ng pananaga sa kanyang kaliwang paa.

Kaagad silang dinala sa ospital kung saan sila nakaconfine, habang kusa namang sumuko sa Numancia PNP station ang suspek.

Pansamantala siyang ikinustodiya doon, habang hinihintay pa ang disposisyon ng mga biktima kung sasampahan nila ng kaso ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *