Connect with us

Aklan News

MOTORISTANG NAGPAHABOL SA MGA PULIS SA CHECK POINT, ARESTADO

Published

on

Photo from the web.

Kalibo – Arestado ang isang motoristang nagpahabol umano sa mga pulis sa  check point alas 10:00 kagabi malapit sa Kalibo-Numancia bridge.

Nakilala ang motoristang si Roger Maglunob Tayco, 19 anyos ng Poblacion, Numancia.

Ayon sa Kalibo PNP, angkas pa ni Tayco ang 9 na taong gulang nitong kapatid habang nagmomotorsiklo nang parahan sila sa checkpoint.

Tumakas umano ang mga ito, subalit nahabol parin ng pulis at naaresto.

Kaugnay nito, pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP station, habang sinundo naman ng kanilang ina ang kaniyang kapatid sa presento at dinala pauwi.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *