Connect with us

Aklan News

Bus at truck nagbanggaan sa Sapian, Capiz; driver ng truck sugatan

Published

on

Nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang driver ng truck matapos masangkot sa aksidente sa Brgy. Damayan Proper, Sapian umaga ng Sabado.

Kinilala sa ulat ng Sapian PNP ang driver na si Gerald Gabalonzo, 37-anyos.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, galing sa Caticlan patungong Iloilo ang nasabing truck nang maganap ang aksidente.

Isang Philtranco bus ang nakasalubong nito sa kurbadang bahagi ng highway. Mula sa Roxas City patungong Caticlan ang nasabing bus na menamaneho ni Peter Aparta, 29.

Ayon sa helper ng bus na si Alberto Gonzales, mabilis umano ang takbo ng truck at umagaw ito ng kanilang linya.

Pinabulaanan naman ito ng driver ng truck. Umapaw umano ang bus sa kanyang linya kaya sila nagbanggaan.

Nabatid na under construction ang kabilang. Wala namang mga tao sa lugar ang makakita sa aksidente para tumestigo sa tunay na nangyari.

Dahil sa banggaan, parehong nagtamo ng malubhang pinsala ang truck at ang bus sa harapang bahagi.

Nabatid na ang bus ay may mga kargang Lazada packages habang ang truck naman ay puno ng mga rubber tires.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *