Connect with us

Aklan News

BOUNCER, PATAY SA BUGBOG AT SAKSAK NG TATLONG LALAKING NANGGULO SA BAR

Published

on

Makikita sa larawan ang mga suspek na sina Jake Tiam at Charlie Baltazar.

Malay, Aklan – Patay ang isang lalaking nagpapart-time bilang bouncer matapos pagtulungang bugbugin at saksakin ng tatlong kalalakihan alas-3:30 kaninang madaling araw sa Boracay.

Kinilala ng Malay PNP ang biktimang si Fedie Casimero Bantilan , 34 anyos, ng Sitio Angol, Manocmanoc, Boracay dahil sa malubhang tama ng pananaksak sa tiyan.

Naaresto naman ang tatlong suspek na sina Alvin Cunanan, 36 anyos ng Pampangga, Jake Tiam, 27 ng San Mateo, Rizal at Charlie Baltazar, 23, ng Pampangga lahat pansamantalang nakatira sa Malay.

Batay sa pahayag ng saksi na si Diego Delos Reyes, nakita niya na binubugbog ng tatlo ang biktima at sinaksak pa ng dalawang beses sa tiyan.

Hinila niya umano ang biktimang nawalan ng malay mula sa mga suspek na mabilis na tumakas palayo.

Naisugod pa ang biktima sa ospital subalit binawian ito ng buhay habang ginagamot.

Naaresto naman ng kapulisan ang mga suspek nitong alas-8:30 sa kanilang ginawang follow up operation.

Nabatid na una nang nagkaroon ng mainit na diskusyon sa gitna ng biktima at mga suspek dahil sa pangugulo ng mga ito sa loob ng bar na pinagtatrabahuhan ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *