Connect with us

Aklan News

Batang babae, nasapul ng trak

Published

on

Tangalan-Sugatan ang 10 taong gulang na dalagita matapos aksidenteng mabangga ng trak ala 1:20 kaninang hapon sa Tagas, Tangalan.

Base sa imbestigasyon ng Tangalan PNP, biglang tumawid sa kalsada ang bata kasama ang kanyang nakakatandang kapatid, dahilan upang mabangga ito ng trak na minamaneho ni Newille Galido Sumagaysay, 48 anyos ng Dumangas, Iloilo.

Bagamat pumreno ang driver, aksidente parin umanong nasapol ng trak ang bata kung saan nagtamo ito ng pinsala sa balikat at ulo na kaagad namang dinala sa ospital.

Samantala, nasa kustodiya ngayon ng Tangalan PNP ang driver para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *