Connect with us

Aklan News

26-anyos na lalaki sinaksak ng nakaenkwentro sa sugal sa bayan ng Tapaz

Published

on

sinaksak

Nagtamo ng sugat sa balikat ang isang 26-anyos na lalaki sa bayan ng Tapaz, Capiz matapos siyang saksakin ng nakaenkwento sa sugal sa isang lamay sa Brgy. Roxas.

Kinilala sa ulat ng Tapaz PNP ang biktima na si Rondeli Tupa, residente ng Brgy. Mabini sa parehong bayan habang kinilala naman ang suspek na si Raymund Gardose, 30, ng Brgy. Agpalali.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nagsusugal ang dalawa nang biglang bumunot ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima matapos magsabi ng “draw” ang huli.

Nananatiling naka-confine sa West Visayas Medical Center sa Iloilo ang biktima habang patuloy namang pinaghahanap ng kapulisan ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *