Aklan News
Mangingisda timbog sa ‘pagtutulak’ ng droga sa Roxas City; Php60K halaga ng shabu nasabat

Published
1 year agoon

Timbog sa isang buy bust operation sa Brgy. Baybay, Roxas City ang mangingisdang ito sa pagtutulak ng iligal na droga hapon ng Biyernes.
Kinilala ang suspek na si Josefino Bacalangco Jr., 28-anyos, residente ng Sitio Licuan, Brgy. Barra, Roxas City.
Ikinasa ng Provincial Drug Enforcement Unit ang nasabing operasyon sa pangunguna ni PLt. Mark Anthony Garcia Biyernes ng hapon.
Nasabat sa suspek ang 20 sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na ayon sa kapulisan ay katumbas ng Php60,000 street value.
Nasabat rin ng operatiba mula sa suspek ang Php1,000 buy bust money, cellphone at isang motorsiklo na pinaniniwalaang ginagamit niya sa iligal na gawain, at iba-ibang drug paraphernalia.
Nabatid na dati nang nakulong ang suspek sa parehong kaso pero nakalabas Hulyo nitong taon dahil sa plea barganing agrement ng gobyerno.
Pansamantalang ikinulong ang suspek sa Roxas City PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz