Connect with us

Aklan News

LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAKUHAAN NG BARIL

Published

on

Tangalan – Arestado ang isang 20 anyos na lalaki matapos makuhaan ng isang homade shotgun bandang alas 11:30 kagabi sa  Brgy. Baybay, Tangalan.

Nakilala ang suspek na si Raymund Dela Cruz ng Brgy. Afga Tangalan.

Ayon sa Tangalan PNP, isang residente ang nag report sa kanila na may isang lalaki ang palakadlakad na may sukbit na baril sa baywang nito.

Agad umano silang rumesponde sa lugar at naabutan ang suspek subalit mabilis umano itong  tumakbo sa madilim na bahagi ng lugar.

Hinabol ito ng mga pulis at kinuha sa kanya ang baril.

Idiniretso siya ng mga otoridad sa himpilan at nakatakda ngayong araw na i-inquest sa kasong paglabag sa R.A 10591 o illegal possesion of firearms and ammunitions.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *