Connect with us

Aklan News

MOTORISTA SUMALPOK SA TRAYSIKEL, PATAY

Published

on

Makato-Dead on arrival sa provincial hospital ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng sumalpok sa traysikel pasado alas 7:00 nitong gabi sa Poblacion, Makato.

Nakilala ang driver ng motorsiklo na si Rogelio Silvederio Paderes, 50 anyos ng nasabing lugar, at ang driver ng nakabanggaan nitong traysikel na si Joseph Francisco Ilig, 36 anyos Bulwang, Numancia.

Base sa imbistigasyon ng Makato PNP, papunta sa direksyon ng Tangalan si Ilig nang umagaw umano sa kanyang linya si Paderes, rason ng nasabing banggaan.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa katawan si Paderes nang sumalpok sa traysikel na kaagad namang dinala sa ospital, subali’t hindi na ito umabot ng buhay.

Samantala, nasugatan din si Ilig nang tamaan umano ito ng bahagi ng motorsiklo dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Sinasabing nasa labis na kalasingan si Paderes at mabilis ang pagpapatakbo nito ng motorsiklo nang mangyari ang insidente.

Pansamantala namang nasa kostodiya ng Makato PNP si Ilig para sa karampatang disposisyon, at aminadong naka inom din ng alak.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *