Aklan News
Mga pampublikong driver sa Roxas City pinakukuha ng mandatory traffic seminar

Published
1 year agoon

Plano ngayon sa City Council ang pagbuo ng batas na mag-oobliga sa mga tricycle driver at iba pang mga pampublikong driver na kumuha ng traffic seminar.
Ito ang iminungkahi ni Konsehal Cora Balgos sa regular session ng Sangguniang Panglungsod bagay na sinang-ayunan naman ni Konsehal Gary Potato, Chairperson ng Committee on Utilities.
Ang mungkahi ay lumabas sa gitna ng mainit na debate ng ilang konsehal sa Sanggunian sa isinusulong na amendasyon ng franchise regulatory ordinance.
Ayon kay Konsehal Potato, bubuo siya ng isang ordinansa na mag-oobliga sa mga pampublikong driver na kumuha ng periodic traffic seminar. Pag-aaralan pa aniya kung gaano kadalas ito gagawin.
Samantala, minamadali ngayon sa Sanggunian ang pagpasa ng amendatory ordinance na magpapahaba sa prangkisa ng mga tricycle driver at operator sa lungsod mula isa hanggang tatlong taon.
Nasa ikalawang pagbasa na ang nasabing panukalang ordinansa at inaasahan na maipapatupad na ito Enero sa susunod na taon kung saan magre-renew ang mga driver at operator ng kanilang mga prangkisa.
Sa kabila nito, hihigpitan naman sa ordinansa ang mga requirement sa pagkuha ng prangkisa para hindi na makalusot ang mga hindi residente ng lungsod at ang mga “dumy”.
Nakasaad sa panukalang ordinansa na inakdaan ni Potato, idinagdag sa mga requirement sa pagrenew at pagkuha ng prangkisa ang pagsumite ng affidavit na nagsasaad na ang aplikante ay residente ng lungsod.
Ang mapatunayang nagsisinungaling o pumike ng dokumento ay posibleng alisan ng prangkisa at makulong.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz