Aklan News
Magsasaka nabaril ang sarili sa Dumalag, Capiz habang nasa inuman

Published
1 year agoon

Nanatili sa ospital ang isang magsasaka matapos niyang mabaril ang kaniyang sarili habang nasa inuman sa Brgy. Duran, Dumalag, Capiz hapon ng Miyerkules.
Kinilala sa ulat ng Dumalag PNP ang suspek na si Severino Tamiano, 49-anyos, residente ng Sitio Maludlod sa nasabing lugar.
Ayon kay PSSg Peter Furigay, imbestigador, ipinakita umano ng lalaki ang kaniyang baril sa tatlo niyang mga kasama sa inuman na kapwa niya kapitbahay nang maganap ang insidente.
Pagkuha umano niya ng 12 gauge homemade shotgun mula sa kanyang baywang ay aksidente itong pumutok at tumama sa pareho niyang kamay.
Agad dinala ng kaniyang kasama na si Jason Guaña ang magsasaka sa Tapaz District Hospital para gamutin.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz