Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGPAPA-TAYA NG EZ 2, ARESTADO

Published

on

Tangalan – Arestado ang isang lalaki matapos iligal na magpataya ng EZ 2 (lotto) alas 8:40 kaninang umaga sa Brgy. Jawili, Tangalan.

Nakilala ang suspek na si Jobani Trayco Reyes, 49 anyos ng Naisud, Ibajay.

Ayon sa Tangalan PNP, nagsagawa ng joint operation laban sa suspek ang mga taga Special Task Force on Illegal Gambling ng APPO o Aklan Police Provincial Office at Tangalan PNP matapos makarating sa kanila ang impormasyon na iligal na nagpapataya ang suspek.

Narekober dito ang mga papel na may mga nakasulat na numero para sa EZ 2, resibo sa pagpapataya, isang ballpen at mahigit P4,000.00 na pera, maliban pa sa P50.00 na marked money.

Kaagad namang ikinustodiya ng mga taga Special Task Force on Illegal Gambling ang suspek na napag-alamang gumagala o walang permenenteng pwesto para sa kanyang ilegal na gawain.

Kaugnay nito, nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling law ang nasabing suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *