Connect with us

Aklan News

2 MOTOR AT 1 BUS, SANGKOT SA DISGRASYA, 2 SUGATAN

Published

on

Makato-Dalawa ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng 2 motorsiklo at bus pasado ala 1:00 nitong hapon sa highway ng Calangcang, Makato.

Nakilala ang mga biktimang sina Ernie Tiaña Cawaling, 66 anyos ng Mantiguib, Makato at ang estudyanteng si Jules Brylee Ascaño Seneris, 19 ng Baybay, Tangalan.

Base sa imbestigasyon ng Makato PNP, tinest-drive ni Cawaling ang kakatapos lamang nitong ayusing motorsiklo, subalit bigla na lamang umano itong nag ‘wild’ at humarurot sa gitna ng kalsada dahilan upang salpukin nito
ang parating na estudyanteng nagmomotorsiklo na papunta sana ng Kalibo.

Sa lakas ng banggaan, napunta pa sa kabilang linya ang motorsiklo ni Cawaling at aksidente namang nabangga ng paparating na bus na papuntang Caticlan na minamaneho ni Elmar Olvida Delayun, 35 anyos ng Gumamela St., Payatas, Quezon.

Parehong sugatan ang mga biktima na kaagad namang dinala sa ospital.

Pansamantala namang ikinustodiya sa Makato PNP Station ang mga naaksidenteng motorsiklo at ang bus kasama ang driver nito para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *