Connect with us

Aklan News

2 ESTUDYANTE, NAHULIHAN NG MARIJUANA SA BUY BUST

Published

on

Kalibo-Arestado sa buy bust operation ng Kalibo PNP ang dalawang estudyante matapos mahulihan umano ng marijuana bandang alas 3:00 kaninang hapon sa Estancia, Kalibo.

Nakilala ang mga suspek na sina Tyrone Amante, 18 anyos ng Manoc-manoc, Boracay at Arnel Retino, 21 anyos ng Poblacion, Banga.

Narekober sa kanila ang 2 sachet ng pinaniniwalaang hash marijuana kapalit ng P4,000.00 na buy bust money.

Bagamat aminadong gumagamit para sa kyuryusidad, itinanggi naman ni Amante na nagbibenta siya ng marijuana at sinabi pang personal lamang umano niya itong ginagamit, habang itinanggi naman ni Retino ang akusasyon.

Pansamantala namang ikinustodiya sa Kalibo PNP station ang dalawa para sa karampatang disposisyon at nakatakdang isailalim sa drug testing.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *