Connect with us

Aklan News

DALAWANG BOARDERS, NINAKAWAN NG MAHIGIT P39K NG MISMONG KAINUMAN; SUSPEK, ARESTADO

Published

on

Photo from the web.

Kalibo, Aklan – Arestado ang isang lalaking nagnakaw umano sa mahigit P39, 000.00 na pera ng mismong mga kainuman sa Old Buswang, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Glenn Megriño Daniel, 22 anyos, collector, tubong Lopez Jaina, Misamis Occidental; at Ariel Parohinog Bautista, 20 anyos ng Damayan, Sapian, Capiz at ang suspek na si Joenel Rodrigo Parcon, 22 anyos na tubong Cansilayan, Murcia, Negros, Occidental, lahat nagbo-board sa Old Buswang, Kalibo.

Una rito, nagpa blotter bandang alas 6:40 nitong umaga sa Kalibo PNP Station ang mga biktima matapos umano nilang matuklasan na nawawala ang kanilang gamit, pati na ang suspek.

Nabatid na P24, 500.00 ang nawawalang pera ni Daniel, maliban sa kanyang cellphone at iba pang dokumento, habang tinatayang P15, 000.00 naman ang kay Bautista.

Base sa salaysay ng mga biktima sa estasyon ng pulis, natulog umano sila bandang alas 12:00 kaninang hating-gabi matapos makipag-inuman sa suspek kagabi, subali’t hindi na umano nila ito nakita, kasabay ng pagkawala ng kanilang mga gamit.

Samantala, kaagad namang nadakip ng mga taga Caticlan PNP Substation ang suspek na sumakay na pala ng barko doon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *