Connect with us

Aklan News

TIYAHIN, TINAGA NG PAMANGKIN

Published

on

Narekober sa pinangyariahn ang itak na ito na sinasabing ginamit ng suspek sa pananaga sa biktima

Madalag – Sugatan ang isang 54 anyos na tiyahin matapos umanong tagain ng pamangkin bandang alas 10:15 kaninang umaga sa Barangay Cabilawan, Madalag.

Nakilala ang biktimang si Julieta Teñoso samantala ang suspek ay nakilalang si Jhun Rey Teñoso Nabayra, 18 anyos, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Radyo Todo Aklan, bumaba mula sa bahay sa bulubunduking bahagi ng barangay ang biktima na duguan at humihingi ng tulong dahil tinaga umano siya ng suspek.

Pagmamay-ari naman umano ito ng biktima na naiwan niya sa lugar nang mangyari ang insidente

Kaagad naman siyang dinala sa ospital matapos magtamo ng sugat sa katawan, habang patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek na tumakas pagkatapos ng insidente.

Sa ngayon hindi pa matukoy ng mga otoridad ang dahilan o motibo ng nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *