Connect with us

Aklan News

SERVICE RECOGNITION INCENTIVES NG MGA EMPLEYADO NG PROBINSYA, APROBADO NA

Published

on

Photo from the web.

Kalibo, Aklan – Aprobado na ng SP-Aklan ang isang resolusyon na magbibigay ng buong otoridad kay Gov. Florencio Miraflores na magpalabas ng pondo para sa Service Recognition Incentive (SRI) ng mga empleyado ng probinsya.

Makakatanggap ng P10, 000 na SRI ang mga elective officials, regular employees, temporary co-terminus at habang P3000 naman ang para sa mga casual at job order employees.

Magmumula ang pondo ng ipamimigay na SRI sa savings ng probinsya na umaabot sa P15, 947, 000.

Maaalala na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order 19 noong Disyembre 2 na naglalayong mabigyan ng SRI ang mga empleyado ng gobyerno na karapat-dapat bigyan ng reward.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *