Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, BUMANGGA SA GUTTER NG KALSADA; DRIVER SUGATAN

Published

on

Kalibo, Aklan – Sa ospital ang bagsak ng isang lalaki matapos aksidenteng bumangga sa gutter ang minamaneho nitong motorsiklo bandang alas 2:20 kaninang madaling araw sa Barangay Pook, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Frenz Gerald Torres, 18 anyos ng New Buswang, Kalibo.

Base sa imbistigasyon ng pulis, nagmomotorsiklo papuntang New Washington ang biktima nang mawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho at bumangga sa gutter ng kalsada.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na kaagad namang dinala sa provincial hospital.

Sinasabing nasa impluwensiya ng alak ang biktima nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *