Connect with us

Aklan News

26-anyos na lalaki patay matapos saksakin ng kainuman sa Tapaz, Capiz

Published

on

Patay ang isang 26-anyos na lalaki sa Brgy. Roxas, Tapaz, Capiz matapos saksakin ng kainuman.

Kinilala sa ulat ng Tapaz PNP ang biktima na si Rondily Tupaz, residente ng Brgy. Mabini at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Roxas.

Habang ang suspek ay kinilala namang si Raymond Gardose, 30, residente ng Brgy. Agpalali.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nag-iinuman ang dalawa habang naglalaro ng baraha nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan na nauwi sa mainit na pagtatalo.

Dito na bumunot ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima na tumama sa kanyang balikat at tumagos sa dibdib.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Tapaz District Hospital pero kalaunan ay inirefer sa ospital sa Iloilo subalit habang ibinibiyahe sakay ng ambulansiya ay binawian din ito ng buhay.

Patuloy namang pinaghahanap ng kapulisan ang suspek sa krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *