Connect with us

Aklan News

TRIKE DRIVER BINARIL NG KAPWA TSUPER DAHIL SA AGAWAN NG PASAHERO

Published

on

Photo from the web.

Banga, Aklan – KRITIKAL ngayon ang isang 51-anyos tricycle driver makaraang barilin ng kapwa tsuper dahil sa agawan ng pasahero kagabi sa Brgy. Ugsod, Banga.

Kinilala ni PSSg. Randy de Pablo ng Banga PNP, si Alfredo Nabor ng Linabuan Sur Banga at ang suspek na si John Romaquin, 50 anyos, ng Ugsod, Banga.

Batay sa ulat, nag-agawan umano ng pasahero ang suspek at biktima dahilan ng pamamaril.

Ayon naman sa ulat ng pulisya, nag-overtake ang biktima sa traysikel na minamaneho ng suspek pagdating sa Cupang na ikinagalit nito.

Doon nagsimulang habulin ng suspek ang biktima saka hinarang at sinuntok.

Gumanti naman ang biktima subalit bumunot ng baril ang suspek saka siya pinaputukan sa dibdib at ulo.

Sumbong ng apat na pasahero ng biktima, tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Sa ngayon ay kailangan na dalhin ang biktima sa lungsod ng Iloilo dahil sa kanyang kritikal na kondisyon habang ang suspek ay patuloy na pinaghahanap ng mga kapulisan.

Nabatid na ang suspek ay isang drug surrenderee at natapos na nito ang rehabilitation program ng gobyerno.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *