Connect with us

Aklan News

SUSPEK NA BUMARIL SA KAPWA DRAYBER, SUMUKO NA

Published

on

Hawak na ng Banga PNP ang suspek sa pagbaril sa kanyang kapwa traysikel drayber kagabi sa Ugsod, Banga.

Personal na sumuko ang suspek na si John Galema Romaquin, 50 anyos, ng Ugsod, Banga kay PSMS Sheril Teodosio at PMsg. Ramon Remus Sandig ng Tangalan PNP kaninang alas-9 ng umaga.

Giit ng suspek na nabigla lang siya kaya niya nagawang barilin ang biktimang si Alfredo Nabor ng Linabuan Sur, Banga.

Inamin rin niya na mayroon silang dating alitan ng biktima.

Inihahanda na ang kasong Frustrated homicide laban sa suspek na ngayon ay nakakulong sa Banga PNP.

Nabatid na si Romaquin ay isang drug surrenderee at tapos na sa rehabilitation program ng gobyerno.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *