Connect with us

Aklan News

LASING Na MOTORISTA, SUMALPOK SA TRAK

Published

on

Kalibo-Sugatan ang isang driver ng motor matapos aksidenteng sumalpok sa trak bandang alas 2:00 kaninang hapon sa Estancia, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Roniel Arcuada Jimenez, 21 anyos ng Guinbaliwan, New Washington, at ang driver ng nakabanggaan nitong trak na si Ricky Tebes Duron, 45 anyos ng Liong, Roxas City.

Base sa imbestigasyon ng pulis, mabilis ang pagpapatakbo ng motorsiklo ni Jimenez, dahilan upang mawalan umano ito ng kontrol sa manobela at sumalpok sa kasalubong na trak na galing Poblacion, Kalibo patungong Banga.

Kaugnay nito nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na kaagad namang dinala sa provincial hospital.

Sinasabi ring nasa impluwensiya ng alak ang biktima nang maaksidente kanina.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *