Connect with us

Aklan News

Isa patay, isa sugatan sa banggaan ng motorsiklo at SUV sa Roxas City

Published

on

Patay ang isang lalaki habang isa naman ang sugatan sa banggaan ng SUV at motorsiklo  sa Brgy. Lawaan, Roxas City madaling araw ng Lunes.

Kinilala ang namatay na si Randolph Descalsota, 21-anyos, residente ng Brgy. San Antonio, Cuartero.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Roxas City PNP patungong City Proper ang SUV nang mabundol nito ang nasabing motorsiklo matapos mag-overtake sa isa pang sasakyan.

Isinugod pa sa Capiz Doctor’s Hospital ang biktima pero binawian rin ito ng buhay habang ginagamot doon matapos magtamo ng malubhang sugat sa katawan dulot ng aksidente.

Patuloy namang ginagamot sa ospital ang isa pang sakay ng motorsiklo na kinilalang si Raffy Gallardo, 20, ng Brgy. Pangpang Sur, Mambusao.

Nabatid na parehong nakainom ang mga biktima nang maganap ang aksidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *