Connect with us

Aklan News

67-anyos na lalaki pinatay ng sariling anak at itinago sa poso negro

Published

on

Bangkay na nang matagpuan ang 67-anyos na lalaki sa isang poso negro sa Sitio Puntod, Brgy. Dinginan, Roxas City matapos itong mawala ng nasa anim na araw.

Kinilala ang biktima na si Rizaldo Azuro, residente ng nasabing lugar.

Umamin naman ang 44-anyos na anak na si Roger na siya ang responsable sa pagpatay sa kanyang ama.

Nabatid na siya pa ang nagturo sa kaniyang ina kung saan niya itinago ang ama.

Ayon sa ina, tuwing malasing ang asawa ay sinasaktan nito ang suspek. Posible aniyang naubos na ang pasensiya ng huli dahilan para magawa niya ang krimen sa ama.

Napag-alaman pa na nakakaranas na ng sakit sa pag-iisip ang suspek dahil sa pananakit ng ama.

Nakitaan ng sugat ng taga sa kamay si Roger  matapos dumepensa sa tangkang pananaga ng ama. 

Pinaniniwalaang tinaga ng suspek ang ama sa kanyang leeg saka ito itinago sa poso negro.

Nakakulong na ngayon sa lock-up ng Roxas City PNP Station ang suspek habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *