Connect with us

Aklan News

Misis sinaksak ni mister; mister nagsasaksak din sa sarili

Published

on

Dahil ayaw papasukin ng bahay at kasunduang hiwalayan, sinaksak ng isang mister ang kanyang misis sa Brgy. Roxas City saka nagsaksak din ng sarili.

Batay sa ulat ng Roxas City PNP, lasing ng umuwi si mister sa kanilang bahay Biyernes ng gabi at ayaw papasukin ng misis dahil sa kasunduan nilang hiwalayan.

Nagpumilit umano ang suspek na pumasok ng bahay subalit pinipigilan parin siya ng asawa rason na sinaksak ni mister si misis ng makatlong beses sa tiyan.

Nakatakbo ang biktima at nakahingi ng tulong at mabilis na isinugod sa isang pribadong ospital.

Wala namang makalapit sa mister sa loob ng bahay dahil armado ito. Subalit nang pasukin ng kapulisan ang bahay ay napag-alaman na nagsaksak rin sa tiyan ang suspek.

Agad rin siyang isinugod sa ospital ng mga rumespondeng tauhan ng Capiz Emergency Response Team.

Narekober ng kapulisan ang patalim na ginamit ng suspek sa insidente na may habang 15 pulgada mula hawakan hanggang dulo.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *