Connect with us

Aklan News

DRIVER, ARESTADO SA PAGDADALA NG BARIL

Published

on

Makato, Aklan – INARESTO ng Makato PNP ang isang driver na nagdadala ng Kalibre 22 na rebolber sa isang construction site sa Brgy. Calangcang, pasado alas 10 kaninang umaga.

Ito ay kinilalang si Juanito Mallari, 48 taong gulang, driver ng truck at taga Bago City, Negros Occidental.

Napag-alaman na nagkaroon ng komosyon sa ilang trabahador sa site kung saan kumuha ng nasabing baril sa kanyang truck ni Juanito.

Kaagad naman itong naagaw ng gwardya na si Ryan Sanchez at itinawag sa police station.

Sa pagresponde ng kapulisan, inaresto nila si Mallari at kinuha ang nasabing paltik na baril at 4 na mga bala.

Sa kasalukuyan ay nakakukong sa Makato PNP ang suspek samantala pinadala sa Akaln PNP crime laboratory ang baril at mga bala para isailalim sa Ballistic examination.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *