Connect with us

Aklan News

64-anyos na lalaki binaril at tinaga sa Cuartero, Capiz

Published

on

Sugatan ang isang 64-anyos na lalaki matapos siyang tagain sa Brgy. Carataya, Cuartero gabi ng Sabado. Dalawang beses pa siyang binaril ng suspek pero maswerteng hindi natamaan.

Kinilala sa report ng Cuartero PNP ang biktima na si Norberto Belonio, 64-anyos habang kinilala naman ang suspek na si Jonathan Fusin, 30, pawang mga magsasaka at mga residente ng parehong lugar.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nakasalubong umano ng biktima sa daan ang suspek at pinaputukan siya ng baril pero maswerteng hindi natamaan.

Dito na umano kumuha ng itak ang suspek at tinaga ang biktima na natamaan sa kanyang kamay hanggang sa magdwelo ang dalawa.

Nakatakas ang biktima patungong maisan subalit pinaputukan parin siya ng baril ng suspek pero maswerteng hindi parin natamaan.

Nakauwi ang biktima at nakahingi ng tulong sa pamilya. Agad siyang isinugod sa Bailan District Hospital para sa kaukulang paggamot.

Ayon sa kapulisan nagsimula ang lahat nang suntukin ng suspek ang biktima dahil sa hindi pagkakaintindihan habang nasa isang lamay ng gabi ring iyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *