Connect with us

Aklan News

3 lalaki arestado sa buybust operation sa Roxas City; 11 sachet ng shabu narekober

Published

on

Arestado ang tatlong lalaking ito sa buybust operation na ikinasa ng Provincial Drug Enforcement Unit sa Brgy. Bolo, Roxas City Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Froilan Magno, 27-anyos, residente ng San Jose, Roxas City; Franklin Calinao, 27, ng Brgy. Milibili, Roxas City; at Arnel Polendey, 42, ng Brgy. Badiangon, President Roxas.

Nasabat mula sa mga suspek ang 11 sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, Php500 marked money, isang cellphone at sling bag.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Roxas City PNP ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *