Connect with us

Aklan News

MGA CHRISTMAS TREE SA APPO, INILAWAN NA

Published

on

Photo| PIO Abang Lingkod

Inilawan na bandang alas kagabi ang mga Christmas tree sa APPO o Aklan Police Provincial Office.

Ayon kay PSSGT Jane Vega, information officer ng APPO, bahagi umano ito ng kanilang inilunsad na  Decorate and Light a Christmas Tree contest na naglalayong palakasin ang ‘camaraderie’ sa kanilang hanay, base narin sa nais ng kanilang Police Provincial Director na si PCol. Esmeraldo Osia Jr.

Kaugnay nito, nabatid na kasali sa nasabing paligsahan ang lahat ng mga sections ng APPO, katulad ng Admin, PAIS, WCPD, INTEL, PDEU, HPG, CIDG, maging nga mga taga supply, motorpool at finance na nagkanya-kanya sa pagpapailaw at pagpapalamuti sa mga punongkahoy doon na nakatoka sa kanilang team.

Ayon pa kay Vega, dadagdagan pa ang mga ilaw at palamuti sa mga puno hanggang sa final judging sa December 16.

Samantala, nabatid na bukas din tuwing gabi sa publiko ang APPO para sa mga nagnanais mamasyal para panoorin ang mga nasabing ‘belen’ o Christmas tree.

Iaanunsyo naman ang mga mananalo sa darating na Decmber 17, kasabay ng kanilang Christmas party doon mismo sa Camp Pastor Martelino.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *