Connect with us

Aklan News

LASING NA RIDER NG MOTORSIKLO, HULI SA CHECK POINT

Published

on

Kalibo, Aklan – Huli sa checkpoint alas 10:30 kagabi sa Roxas Avenue, Kalibo ang isang lasing na driver ng motorsiklo.

Nakilala sa report ng Kalibo PNP ang rider na si Dones Gulle Enriquez, 35 anyos ng Mabilo, New Washington.

Base sa report, kusang huminto sa nasabing checkpoint ang lasing, subali’t kaagad ding tumakas nang lapitan ng pulis dahil sa pagmamaneho nito na walang helmet at nasa impluwensiya pa ng alak.

Sa kabila nito, nahabol parin siya ng mga pulis at naaresto at kasalukuyang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, bagama’t aminadong nasa impluwensiya ng alak, itinanggi naman ni Dones na nagpahabol siya sa mga pulis, at sinabing ipinark lamang nito ang motorsiklo nang makita niya ang check point at naglakad na lamang.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *