Connect with us

Aklan News

Consultant ng City Mayor’s Office binantaan, minura

Published

on

Nagreklamo sa Roxas City PNP ang isang consultant ng City Mayor’s Office matapos siyang bantaan at murahin dahil sa proyekto ng city government.

Kinilala ang nagrereklamo na si Audie Dollete, 61-anyos, City Mayor Consultant for Engineering Affairs, residente ng Brgy. Milibili, Roxas City.

Salaysay niya sa kapulisan, umaga ng Miyerkules habang nagsasagawa siya ng inspeksyon sa promenade project sa Lapu-lapu St., Barangay III nang komprontahin ng mag-asawang sina Mandy at Mildred Isiderio ang foreman.

Aniya, binuweltahan umano ng mag-asawa ang foreman na walang kwenta ang proyekto ng pamahalaang panglungsod dahil sagabal umano ito sa paglabas-pasok ng kanilang sasakyan mula sa kanilang residensya.

Nilapitan umano niya ang mag-asawa para linawin ang layunin ng proyekto at pinayuhan na dumulog sa tanggapan ng Engineering’s Office subalit hindi umano nakinig ang mga ito.

Sa halip binantaan umano siya na magsasampa sila ng legal na reklamo sa mga taga-City Office. Maliban dito ay nagmumura pa umano ang mag-asawa.

Umiwas nalang umano ang City Mayor Consultant at minabuting iparekord nalang sa kapulisan ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *